dzme1530.ph

Dennis Padilla, muling nagparamdam sa anak na si Julia Barretto

Muling nagparamdam si Dennis Padilla sa kanyang anak na si Julia Barretto sa gitna nang malalim na alitan nilang mag-ama.

Ngayong Biyernes ang kaarawan ni Julia, subalit noong Miyerkules pa lamang ay nagpaabot na si Dennis ng advanced birthday greeting sa kanyang dalaga.

Sinamahan din ng aktor ng litrato ang handwritten note na nagpapahiwatig ng pangungulila nito sa anak.

Halos isang taon na mula nang mangyari ang alitan sa pagitan ni Dennis at kanyang mga anak kay Marjorie Barretto.

Matatandaang isinapubliko noon ni Dennis ang sama ng loob kina Julia, Claudia, at Leon nang hindi ito makatanggap ng mensahe mula sa mga anak noong Father’s Day ng 2022.

About The Author