dzme1530.ph

Dating Cong. Arnie Teves, Naaresto sa Timor-Leste, kinumpirma ng DOJ

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na nadakip na ng mga otoridad sa Timor-Leste si dating Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr., na itinuturong mastermind sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Sa Facebook post ng East Timor police, inaresto si Teves, kahapon ng alas-4 ng hapon.

Matatandaang inilagay sa Interpol red list ang pinatalsik na kongresista noong February 27.

Sa hiwalay na statement, inihayag ng DOJ na dinakip si teves habang naglalaro ng golf sa isang driving range sa Dili, East Timor.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng Timor-Leste police ang dating mambabatas habang inaayos ng National Central Bureau ng Interpol sa Dili ang extradition nito sa Pilipinas.

About The Author