dzme1530.ph

62.3°C na heat index, naitala sa Rio de Janeiro sa Brazil

Pumalo sa panibagong record ang nakapapasong init sa Brazil, makaraang maitala sa 62.3°C ang heat index sa Rio de Janeiro noong linggo.

Ito na ang pinakamataas na naitalang temperatura sa kabisera ng Brazil, sa loob ng isang dekada.

Ang iconic na Ipanema at Copacabana beaches ay dinagsa ng mga tao, makaraang magbigay ng tips ang mga otoridad kung paano maiibsan ang nararanasang matinding init ng panahon.

About The Author