dzme1530.ph

7,000 trained tourist police, ipakakalat sa mga pangunahing tourist spots para sa Semana Santa

Magpapakalat ang Philippine National Police (PNP) ng mahigit pitong libong trained tourist police sa mga pangunahing tourist spots na inaasahang dadagsain sa paparating na Semana Santa.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, inihayag ni PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo na natukoy na ang mga babantayang major tourist destinations upang matiyak ang kaligtasan ng mga bakasyunista, lokal man o dayuhan.

Simula naman sa weekend ay ipakakalat na rin ang mga pulis at sniffer dogs sa bus terminals, airports, at mga pantalan, at ipu-puwesto rin ang mga police assistance desk.

Magkakaroon din ng police visibility sa national highways at roads.

Kabuuang 34,088 na inisyal na tauhan ang ipinakalat para sa Holy Week, at binibigyan ng awtoridad ang regional directors na magdagdag ng puwersa habang may naka-antabay ding reserve standby force.

Sa ngayon ay wala pang nade-detect ang pulisya na anumang seryosong banta sa seguridad para sa Semana Santa.

About The Author