dzme1530.ph

Agriculture officials ng Czech Republic bibisita sa bansa

Matapos ang pakikipagpulong kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., inihayag ni Czech President Petr Pavel na pangungunahan ni Czech agriculture minister Marek Výborný ang Agri delegation.

Makikipagpulong ito kay Department of Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. sa March 21, habang magtutungo rin ito sa Davao para sa business forum at pag-bisita sa Tagum Agricultural Development Company, Inc. (TADECO).

Bukod dito, magsasama rin sila ng Czech businessmen para sa posibleng pag-iinvest sa agrikultura at iba pang sektor.

Pag-aaralan din ang posibleng pagbuo ng kooperasyon sa depensa, manufacturing, science and technology, at energy at power sector.

About The Author