dzme1530.ph

PBBM, hiniling ang suporta ng Czech Republic sa AFP modernization

Humiling ng mas maigting na suporta mula sa Czech Republic si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., para sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa joint press conference matapos ang bilateral meeting kay Czech President Petr Pavel sa Prague Castle, inihayag ng pangulo na ang Czech Republic ay nananatiling importanteng bahagi ng modernisasyon ng AFP kaakibat ang kaukulang procurements.

Kaugnay dito, umaasa ang pangulo na magpapatuloy ang suporta ng Czech Republic sa mas mataas na lebel.

Matatandaang sa courtesy call sa Department of National Defense noong Pebrero, pinagtibay ng Czech Defense delegation ang commitment sa AFP Modernization Program.

About The Author