dzme1530.ph

Detention center na paglalagyan kay Quiboloy, ipinasilip ng Kamara

Ipinasilip ng House of Representatives sa media ang detention center nito, kung saan inilalagay ang mga indibidwal na na-cite for contempt.

Sinabi ni House Secretary General Reginald Velasco na mananatili sa naturang detention center si Pastor Apollo Quiboloy sa sandaling maaresto ang founder ng Kingdom of Jesus Christ.

May mga nakakalat na CCTV cameras sa detention center na mino-monitor ng Legislative Security Bureau.

Mayroong dalawang air-conditioned na kwarto na ang isa ay okupado na ng isang resource person, at mayroon ding tatlong bathrooms para sa mga lalaki, babae, at persons with disability.

Noong martes ay napagpasyahan ng House Committee on Legislative Franchises na i-cite for contempt si Quiboloy bunsod ng hindi nito pagsipot sa hearing hinggil sa pagbawi ng prangkisa ng SMNI kung saan siya ang honorary chairman.

About The Author