dzme1530.ph

PBBM, US Secretary of State Antony Blinken magpupulong sa susunod na linggo

Makikipagpulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay US Secretary of State Antony Blinken sa susunod na linggo, sa harap ng lumalalang tensyon sa West Philippine Sea.

Darating sa bansa si Blinken sa araw ng Lunes, March 18, at sa araw ng Martes ay bibisita ito sa Malakanyang para sa pakikipagpulong kay Marcos.

Inaasahang kanilang tatalakayin ang pagpapalakas ng kooperasyon sa depensa at seguridad.
Samantala, magkakaroon din ng trilateral meeting sa susunod na linggo ang Pilipinas, America, at Japan, para rin sa pagpapaigting ng kooperasyon.

Mababatid na pinaghahanda na ni Chinese President Xi Jinping ang kanyang militar para sa mga tensyon sa karagatan.

About The Author