dzme1530.ph

Malacañang, nanawagan sa isang mapagmalasakit na bansa ngayong pagsisimula ng Ramadan

Nanawagan ang Malacañang para sa isang mapagmalasakit na bansa, sa pagsisimula ng buwan ng Ramadan ng mga Muslim ngayong araw.

Sa social media post, sinabi ng Presidential Communications Office na kaisa sila ng buong Muslim community sa paggunita ng Ramadan.

Kaugnay dito, humiling ang Palasyo sa sama-samang pagpapatibay ng bansa tungo sa isang Bagong Pilipinas na maunlad at puno ng pag-asa.

Samantala, sa kanyang bukod na post ay inihayag naman ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang buwan ng Ramadan ang magbibigay-daan sa spiritual growth, tungo sa isang hinaharap na puno ng pagmamahalan at progreso.

About The Author