dzme1530.ph

Former First Lady Imelda Marcos, nasa maayos na kalagayan ayon sa Pangulo

Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nasa maayos na kalagayan ang kanyang Inang si Former First Lady Imelda Marcos.

Ayon sa Pangulo, nakausap na niya ang mga doktor ni Ginang Marcos, at ito ay nakararanas ng slight pneumonia at mayroon itong lagnat.

Kaugnay dito, pinaiinom na ito ng antibiotics at kumpyansa umano ang mga doktor na mawawala din ang lagnat ng 94-anyos na dating Unang Ginang.

Masigla o nasa “good spirits” din umano ito, at hindi ito nahihirapang huminga.

Sinabi naman ni Pangulong Marcos na nagpapahinga na ang Former First Lady at nagpasalamat din ito sa mga Pilipino para sa kanilang pag-aalala at dasal.

About The Author