dzme1530.ph

Bayan ng Bulalacao sa Oriental Mindoro, isinailalim sa State of Calamity bunsod ng El Niño

Idineklara ang State of Calamity sa Bulalacao, Oriental Mindoro bunsod ng epekto ng El Niño phenomenon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sinabi ng Lokal na Pamahalaan ng Bulalacao, na sa ngayon ay nasa 500 ektaryang taniman ng sibuyas na may 575 magsasaka, at mahigit 500 ektarya ng palayan na may 545 magsasaka, ang apektado ng ng El Niño.

Bukod pa rito ang mahigit 20 ektarya ng iba pang mga pananim na nakaapekto rin sa 28 magsasaka.

Bunsod nito, inihayag ng local government na naghuhukay ngayon ang mga magsasaka para sa maaring mapagkunan ng tubig upang maisalba ang kanilang mga pananim.

About The Author