dzme1530.ph

VP Sara Duterte, magsisilbing caretaker ng bansa habang nasa Australia ang Pangulo

Magsisilbi muling caretaker ng Pilipinas si Vice President Sara Duterte, habang nasa Australia si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Office Sec. Cheloy Garafil, matapos na tumulak patungong Canberra ang Pangulo kaninang umaga para sa nakatakdang pagharap sa Australian Parliament.

Gayunman, no show ang pangalawang Pangulo sa Departure Ceremony kanina sa Villamor Airbase sa Pasay City.

Si Pangulong Marcos ay mananatili sa Canberra hanggang bukas.

About The Author