dzme1530.ph

Gobyerno, hinimok paigtingin ang fire prevention measures

Hinimok ni Senador Sherwin Gatchalian ang gobyerno na paigtingin ang fire prevention measures sa gitna na rin ng nararanasang El Niño sa bansa.

Ang apela ay ginawa ni Gatchalian sa gitna ng bserbasyon ng Fire Prevention Month pagpasok ng buwan ng Marso.

Iginiit ng Senador na kailangang tulungan ang publiko na magkaroon ng kaalaman sa paghahanda para mapigilan ang mga insidente ng sunog sa bansa.

Ang El Niño weather phenomenon anya ay nagbibigay ng dagdag na panganib na magkaroon ng insidente ng sunog dahil sa sobrang init ng panahon.

Idinagdag ng senador na ang sapat at tamang fire prevention campaigns lalo na sa mga mahihirap na pamayanan ay makakatulong sa mga residente na epektibong tugunan ang mga posibleng pagmulan ng sunog at mapigilan na mangyari.

About The Author