dzme1530.ph

DOJ, magpapasaklolo sa mas mataas na Korte hinggil sa kaso ng mga nawawalang sabungero

Pinag-aaralan ng Department of Justice ang pagdulog sa mas mataas na Korte para baliktarin ang desisyon ng Manila Regional Trial Court na nagbasura sa kanilang mosyon.

Ito’y matapos payagang makapag-piyansa ang anim na akusado sa kaso ng pagkawala ng mga sabungero noong 2022.

Tiniyak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na gagamitin nila ang lahat ng posibleng legal remedies para sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Noong nakaraang linggo ay ibinasura ng Manila RTC Branch 40 dahil sa kawalan ng merito, ang apela ng prosekusyon laban sa pagpapahintulot na makapagpiyansa ang mga akusado.

December 2023 nang katigan ng Korte sa Maynila ang hirit ng anim na akusado na makapagpiyansa ng kabuuang P3-M.

 

 

About The Author