dzme1530.ph

Kasunduan para sa mga Muslim OFW, nilagdaan

Lumagda ang Department of Migrant Workers (DMW) at National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) sa isang Memorandum of Agreement na naglalayong mapalakas ang proteksyon, oportunidad at trabaho para sa mga Muslim OFW na naghahanap ng trabaho sa ibang bansa.

Pinangunahan ni DMW Officer-in-Charge Hans Leo J. Cacdac at NCMF Officer-in-Charge Yusoph J. Mando ang paglagda ng MOA na naglalayong bumalangkas ng mga komprehensibong mekanismo na susuporta para sa mga Muslim OFW.

Tiniyak naman ni Cacdac na mananatiling nakatuon ang DMW sa pagpapatupad ng kasunduang at sa lahat ng yugto ng paglalakbay ng mga Muslim OFW sa ibayong dagat.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Mando sa partnership ng DMW at National Commission on Muslim Filipinos sa potensyal nitong lumikha ng disenteng trabaho at mga oportunidad para sa mga Filipino Muslim.

About The Author