dzme1530.ph

Major project ng NGCP sa unang quarter ng 2024, mahigpit na minomonitor ng DOE

Mahigpit ang ginagawang monitoring ng Department of Energy (DOE) para sa mga major projects ng National Grid Corporation of the Philippines ngayong unang quarter ng 2024.

Ayon kay DOE Undersecretary Felix William Fuentebella, nais tiyakin ng ahensiya ang energy security ng bansa sa kasagsagan ng El Niño phenomenon.

Nais ng Energy department na matiyak ang sapat na supply ng kuryente sa bansa sa kasagsagan ng El Niño at Summer season.

Dagdag pa ni Fuentebella hindi malaking alalahanin ang power situation ng bansa lalo pat on going na rin ang pagsasaayos ng ilan pang energy supply kung saan pinaghadaan narin ng ahensiya ang posibleng maging epekto ng matinding init ng panahon na inaasahang tatagal hanggang sa buwan ng Mayo.

About The Author