dzme1530.ph

Puganteng Chinese national inaresto ng B.I sa NAIA

Inaresto ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang puganteng Chinese national na tangkang umalis ng bansa.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang pasahero na si Zhang Xianfa, 36-anyos, na naaresto sa departure area ng NAIA terminal 3.

Sinabi ni Tansingco na pasakay sana si Zhang ng Cebu Pacific flight papuntang Guanzhou, China nang harangin siya ng mga opisyal ng BI nang makita sa database ng BI na may mga umiiral itong derogatory records.

Itinurn-over siya sa mga tauhan ng BI’s border control and intelligence unit (BCIU) bago naman siya dinala sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Sinabi ni Tansingco na isa lamang si Zhang sa 16 na Chinese nationals na hiniling ng mga awtoridad ng China na i-deport dahil sa mga krimeng ginawa umano nila sa kanilang bansa.

About The Author