dzme1530.ph

Rep. Garin: umento sa sahod ng mga manggagawa, kailangang balensehin

Pabor si Iloilo 2nd District Representative Janette Garin na bigyan ng umento ang sweldo ng mga manggagawa subalit kailangang balansyado ito.

Inamin ni Garin na mas malaki pa sa sandaang piso na ipinapanukala ng mga senador ang nais nilang ibigay ngunit tinitingnan din nila at binabalanse ang kakayahan ng maliliit na negosyante.

Pinasalamatan ng Deputy Majority Leader ang Senado sa pagpapatibay sa 2nd Reading ng ₱100 daily wage increase subalit kulang aniya ito sa aktuwal na pangangailangan ng pamilya ng manggagawa.

Sa panig ng Kamara, binabalanse umano nila ang interes ng mga obrero at pribadong kumpanya lalo na ang micro, small and medium enterprises (MSMEs) na 90% ng kabuuhang negosyo sa bansa at nag e-employ ng milyong Pilipino.

Tinukoy ni Garin ang kontrobersiyal na Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) na makakatulong pansamantala sa mga manggagawa na mas mababa sa ₱23,000 pesos ang kita kada buwan, subalit minamasama ng mga Senador.

About The Author