Naglabas ang Administrasyong Marcos ng 2.5 billion pesos para sa Free Public Internet Access Program.
Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang Special Allotment Release Order, kasabay ng Notice of Cash Allocation na nagkakahalaga ng 356.2 million pesos para sa Maintenance and Other Operating Expenses sa 1st Quarter ng taon.
Ibababa ang pondo sa Office of the Secretary ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Sa ilalim nito, itatatag ang Information Communication Technology Facilities (ICT) tulad ng High-capacity Networks, Middle mile, at Last mile ICT infrastructures, pati na rin ang towers, data centers, assets, at iba pang service buildings.
₱2.4 billion pesos ang ilalaan para sa Free Internet Wi-Fi Connectivity sa mga pampublikong lugar habang ang nalalabing ₱50 million pesos ay para sa internet connectivity sa State Universities and College (SUCs).
Binigyang-diin ni DBM Secretary Amenah Pangandaman ang kahalagahan ng internet sa makabagong panahon o ang digital era, na itong nagko-konekta sa publiko at nakakatutulong sa pagsulong ng edukasyon, ekonomiya, health care, public safety, at maging sa mga serbisyo ng gobyerno.