dzme1530.ph

Mga Pilipino, hinikayat ng DA na regaluhan na lamang ng bigas sa halip na bulaklak ang mga mahal sa buhay sa Valentine’s Day

Hinikayat ng Dep’t of Agriculture ang mga Pilipino na regaluhan na lamang ng bigas sa halip na bulaklak ang mga mahal sa buhay para sa paparating na Araw ng mga Puso.

Sa ambush interview matapos ang pres briefing sa Malakanyang, inihayag ni DA Undersecretary Roger Navarro na mas mainam ang bigas dahil ito ay matamis, hindi tulad ng bulaklak na hindi naman makakain dahil matinik ito kagaya ng rosas.

Samantala, sa press briefing ay tiniyak ni Navarro na tuloy-tuloy ang importasyon ng bigas upang masigurong may sapat na suplay para sa ating mga mahal sa buhay.

Sinabi ng DA Official na walang dapat ipag-alala sa mga susunod na buwan at ibinilin pa nito ang mga katagang sit back and relax.

About The Author