Nagsagawa ng kilos-protesta ang grupo ng mga kabataang environmentalists militant sa Padre Paura partikular na sa pagitan ng DOJ at Korte Suprema ngayong araw.
Layunin ng kanilang kilos protesta ang ibasura ang Anti-Terror Law at hilingin sa Kataas-taasang Hukuman na maglabas na ng desisyon at petition for habeas corpus at habeas data na inihain ng respondent na si Jonila Castro at Jhed Tamano noong Setyembre sa nakalipas na taong 2023.
Dito iginiit ng grupong na MAKA-KALISAN People’s Network for the Environment na kahit napalaya na ang dalawa ay tuloy pa rin umano ang harassment sa dalawa at sa kanilang mga kaanak o pamilya.
Kasama na anila rito sa pahayag ng Department of Justice na puwedeng kasuhan ng grave oral defamation ang nabangit na indibidwal.
Matapos na silang palayain noon ng NTF-ELCAC at para pasinungalingan ang paratang na dinukot sila, pero taliwas ito sa sinabi ng dalawa na isiniwalat ang puwersahang pagkuha sa kanila ng mga otoridad.
Dagdag pa ng grupo na posibleng marami pang environmentalists ang maharap sa ganitong sitwasyon at aksyon ng gobyerno sa halip na suportahan ang adhikain sa pagtatanggol ng kalikasan. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News