dzme1530.ph

Mga unang investment sa Maharlika, iaanunsyo sa mga susunod na buwan

Nakatakdang ianunsyo ng Maharlika Investment Corporation (MIC) ang mga unang proyekto na kanilang popondohan sa mga susunod na buwan.

Ayon kay MIC President and Chief Executive Officer Raphael Jose “Joel” Consing, umaasa sila na ma-i-a-anunsyo nila ang isa o dalawang commitments sa susunod na tatlo hanggang apat na buwan.

Aniya, malaki ang posibilidad na ang mga ito ay sa energy at transport spaces.

Ipinaliwanag ni Consing na mag-i-invest sila sa mga naturang sektor dahil mas mabilis ang pagsulong ng mga ito kumpara sa ibang mga proyekto. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author