dzme1530.ph

Pagtalakay sa economic Cha-cha bill, dapat gawing malawakan

Iginiit ni Sen. Nancy Binay na dapat gawing malawakan at komprehensibo ang pagtalakay sa Resolution of Both Houses no. 6 na nagsusulong ng pag-amyenda sa tatlong economic provision sa Saligang Batas.

Sinabi ni Binay na sisimulan pa lamang nila ang pagdinig sa Lunes sa Senado at hindi anya ito dapat madaliin.

Binigyang-diin ng senador na kailangang mapakinggan ang opinyon ng lahat upang matiyak na magiging maayos ang pagbalangkas ng batas.

Nais anya nilang magkaroon ng mas maraming public dialogues at multi-sectoral consultations sa pamamagitan ng pagbubukas ng diskusyon sa lahat ng solicited at unsolicited studies.

Kailangan anyang timbangin kung ano ang mas dapat, mas tama, mas makakatulong at mas makakapagbigay ng maayos na direksyon sa bansa at sa taumbayan. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author