dzme1530.ph

Malacañang, tikom pa ang bibig sa hamong drug test ni dating pangulong Duterte kay PBBM

Tahimik pa ang Malacañang sa hamong drug test ni dating pangulong Rodrigo Duterte kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Matatandaang kasunod ng pagtawag sa Pangulo na bangag at adik, hinamon ito ni Duterte na sabay silang magpa-drug test sa Luneta, Maynila.

Ito ay matapos ding sabihin ni Marcos na gumagamit si Duterte ng nakaa-adik na fentanyl painkiller drug.

Sinabi naman ni Duterte na may prescription mula sa doktor ang paggamit nito ng fentanyl, kasabay ng pagtatanong kay Marcos kung may prescription ba ang cocaine.

Gayunman, sa ngayon ay wala pang tugon ang palasyo sa nasabing hamon.

Mababatid na si Pangulong Marcos ay dumating sa bansa kahapon ng madaling araw matapos ang dalawang araw na state visit sa Vietnam. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author