dzme1530.ph

UN Special Rapporteur Irene Khan, bibisita sa Malacañang para sa pakikipagpulong kay ES Bersamin

Bibisita sa Malacañang si UN Special Rapporteur on the Promotion of the Freedom of Opinion and Expression Irene Khan, para sa pakikipagpulong kay Executive Sec. Lucas Bersamin.

Ayon sa Presidential Task Force on Media Security, gaganapin ang pulong sa Bonifacio Hall sa palasyo mamayang alas-4 ng hapon.

Sinabi naman ng Presidential Communications Office na magiging pribado ang meeting.

Nasa bansa si Khan upang i-assess ang mekanismo ng gobyerno sa pagtatanggol ng karapatang pantao partikular sa freedom of opinion at expression.

Sa ngayon ay wala pang detalye kaugnay ng magiging paksa ng pulong sa Malacañang.—ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author