Hinamon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sumailalim sa drug test sa harap ng publiko para patunayang hindi ito drug user.
Sa press briefing sa Davao City, sinabi ni Duterte na magpa-blood test si Marcos sa Luneta sa isang independent entity o doctor, at pati siya ay magpapakuha rin ng dugo.
Ibinunyag pa ng dating pangulo na isang opisyal ng gabinete ang gumagamit ng cocaine, kasama si Marcos. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera