dzme1530.ph

Mahigit 11,500 kriminal, nasakote noong nakalipas na taon —CIDG

Naaresto ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang kabuuang 11,588 na mga kriminal mula sa 11,424 na operasyon noong 2023.

Ayon kay CIDG Chief, Maj. Gen. Romeo Caramat Jr., kabilang sa mga nasakote ang 54 na lider at mahigit 400 miyembro ng criminal gangs, pati na 125 miyembro ng communist at local terrorist group.

Inihayag din ni Caramat na nakapagsampa rin sila ng siyam na kaso ng terrorism financing.

Sa loose firearms naman, kabuuang 1,370 operations ang  isinagawa ng CIDG na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 1,990 loose firearms, 435 explosives, at 41,244 na iba’t ibang klase ng mga bala. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author