dzme1530.ph

Senior at PWD cards, inaabuso ng ilan

Pinahihigpitan naman ng grupong Resto PH ang paggamit ng Senior Citizen at Persons with Disability (PWD) cards.

Ayon kay Resto PH member Eric Teng, ito ay dahil mayroong mga naglipang pekeng Senior at PWD cards na ginagamit ng mga hindi naman benepisyaryo.

Isa rin aniyang halimbawa ng pag-abuso ay ang naging customer niya na piloto na dapat ay mayroong good vision pero may PWD card para sa visual impairment.

Karaniwang din aniya sa isang lamesa na mayroong walong kumakain ang mayroong PWD cards mula sa nanay, tatay, anak, lola, pati sanggol o toddler.

Samantala, ipinag-utos na ni House Speaker Martin Romualdez ang imbestigasyon sa posibleng pag-abuso at limitasyon sa mga naturang diskwento. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author