dzme1530.ph

Senior Citizen at PWD Councils, pinaiimbestigahan ang pagpapatupad ng discounts na itinakda ng batas

Pinaiimbestigahan ng National Commission for Senior Citizens (NCSC) at National Council for Disability Affairs (NCDA) ang Starbucks Philippines makaraang limitahan nito ang paggamit ng Senior Citizen at Persons with Disability (PWD) cards sa kanilang mga establisyimento.

Nabatid na nilimitahan ng coffee chain ang discount ng mga PWD at Senior Citizens, at iba pang discount cards sa One Drink and One Pastry sa bawat pagbisita simula Lunes.

Sinabi ng NCDA na susulatan nila ang coffee chain para itama ang pagkakamali sa implementasyon ng batas.

Iginiit ng Council na alinsunod sa batas, walang limitasyon sa pag-order ng benepisyaryo na may 20% discount at VAT exemptions basta kakainin nito ang binili.

Ginarantiyahan naman ng Starbucks Philippines na ibibigay nila ang discount sa mga benepisyaryo, kasabay ng paghingi ng paumanhin. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author