dzme1530.ph

P1-M halaga ng expired na gamot at supplies, nadiskubre sa Bacacay, Albay

Tinaya sa P1-M halaga ng expired na mga gamot at iba pang medical supplies ang nadiskubre mula sa Rural Health Office (RHU) sa Bayan ng Bacacay, sa Albay.

Ayon kay Mayor Edcel Belleza, hindi makatwiran ang pagsasayang ng mga gamot dahil marami ang nangangailangan nito.

Ipinaliwanag naman ni RHU Officer, Dr. Merly Beltran na karamihan sa mga expired na gamot ay itinuturing na “non-essential drugs” na hindi akmang gamitin ng mga residenteng nagpapakonsulta sa health office.

Ilan sa mga gamot ay donasyon din ng mga pribadong indibidwal at ng Department of Health.

Sinabi rin ni Beltran na hinihintay pa nila ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng RHU at isang waste disposal area sa Daraga para sa mga gamot at biohazard materials. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author