dzme1530.ph

LTO, naglabas ng show-cause order laban sa may-ari ng sasakyan sa tatlong road rage videos

Inisyuhan ng Land Transportation Office (LTO) ng show-cause order ang may-ari ng sasakyan na nakuhanan sa tatlong “road rage” videos.

Sa unang video na kuha sa Quezon City noong unang linggo ng Enero, makikita ang humaharurot na sasakyan at hinarangan ang daan ng isa pang sasakyan.

Galit na sinugod ng driver ang nakaalitang motorista na hindi naman bumaba ng sasakyan.

Naulit ang insidente kung saan hindi rin bumaba ng sasakyan ang motorista para patulan ang nagagalit na driver na may hawak na pamalo.

Sa ikatlong video ng kontrobersyal na driver, may hawak ulit itong pamalo habang sinisigawan ang driver ng isang van.

Dalawang paglabag ang nakikita ng LTO na ginawa ng motorista, na kinabibilangan ng obstruction of traffic at improper person to operate a motor vehicle, na may parusang kanselasyon ng lisensya. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author