dzme1530.ph

Ilang unconsolidated jeepneys, papasada pa rin pagsapit ng Feb.1

Ipagpapatuloy ng ilang unconsolidated traditional jeepneys ang pagpasada sa kanilang mga ruta pagsapit ng Feb. 1.

Sa kabila ito ng expiration ng memorandum ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na nagpapahintulot sa kanila na pumasada hanggang Jan. 31, 2024.

Iginiit ni PISTON president Mody Floranda na walang otoridad ang LTFRB na kanselahin ang prangkisa ng mga dyip.

Sinabi pa ni Floranda na ang itinakdang deadline ay para lamang sa provisional authority at hindi sa prangkisa na nananatili sa mga operator. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author