dzme1530.ph

Taas-presyo sa oil products, umarangkada na naman ngayong Martes

Panibagong taas-presyo ang ipinatupad ng mga kumpanya langis, ngayong Martes.

Ito ang ikalawang sunod na linggong tumaas ang presyo ng produktong petrolyo mula nang mag-umpisa ang 2024.

Simula kanina, P0.30 ang idinagdag sa kada litro ng gasolina.

Samantala, tig-P0.90 naman ang itinaas sa kada litro ng diesel at kerosene. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author