Hindi na palalawigin ng Commission on Election (Comelec) ang itinakdang deadline para sa party-list groups na maghain ng kanilang manifestation of intent to participate.
Ito’y para sa susunod na midterm o 2025 elections.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, maraming grupo ang nakakapagsumite na ng manifestation of intent. Kaya’t nagtataka siya kung kaya’t bakit hindi ito kayang gawin ng ibang nananawagan ng extension.
Ang manifestation of intent to participate ay kailangan ng mga party-list organization kasama ang kanilang petitions for registration sakaling nais nilang lumahok sa isang eleksiyon.
Sa datos, nasa 106 na organisasyon ang nakapaghain ng manifestations of intent to participate hanggang noong December 29, 2023 deadline.
Giit pa ni Garcia, mas mababa naman ang bilang ng nanawagan ng extension para sa 2025 elections kumpara sa mga party-list na sumali noong 2022 kaya hindi na talaga papayagan ang extension. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News