Pormal nang itinurnover ni dating Finance Secretary Benjamin Diokno ang liderato sa kanyang bagong talagang kapalit na si Secretary Ralph Recto.
Sa turnover ceremony sa DoF Office sa Maynila, kanina, inihayag ni Diokno ang kanyang tiwala kay Recto.
Aniya, hindi na bago para sa bagong kalihim ang hard work, tough decision-making, at consensus-building na kinakailangan para sa isang Finance Chief.
Sa bahagi naman ni Recto, pinuri niya si Diokno sa serbisyo nito, kasabay ng pagsasabing ang pagsunod sa yapak nito ay isang karangalan at hamon. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera