dzme1530.ph

6 pasahero na sakay ng distressed motorbanca, nailigtas ng PCG sa katubigang sakop ng Surigao Del Norte

Matagumpay na nailigtas ng Philippine Coast Guard Station Bucas Grande ang anim na pasahero na sakay ng isang distressed motorbanca sa kalapit na karagatan sa Kalangugan, Barangay Rizal, Socorro, Surigao del Norte.

Ang distressed motorbanca ay umalis sa Feeder Port sa Barangay Navarro, Socorro, Surigao del Norte, na papunta sana ng Barangay 12, Catabaan, Dapa, sa parehong probinsiya.

Ang insidente ay naganap habang naglalayag ito kung saan nakasalubong nila ang bugso ng hangin na sinundan ng malalaking alon, na naging dahilan ng pagkasira ng timon ng motorbanca, dahilan para mawalan ito ng kontrol sa manibela.

Sa kasalukuyan ligtas ang anim na pasahero at hinila narin ang kanilang nasirang motorbanca patungong Port of Socorro, Surigao del Norte. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author