dzme1530.ph

Indonesian President Joko Widodo, nag-inspeksyon sa 2 Indonesian investment plants sa bansa

Nag-inspeksyon si Indonesian President Joko Widodo sa dalawang planta na kapwa bahagi ng investments ng Indonesia sa Pilipinas.

Bilang bahagi ng kanyang tatlong araw na official visit sa bansa, nagtungo si Widodo sa Kopiko Philippines Corp. Plant sa Calamba Laguna.

Ang Kopiko ay subsidiary ng PT Mayora Indah Tbk ng indonesia na nagpo-produce ng coffee products hindi lamang para sa pilipinas kundi pati na sa iba pang bansa sa ASEAN at sa mundo.

Samantala, bumisita rin si Widodo sa W Hydrocolloids Inc. sa Carmona Cavite.

Sinabi ng Indonesian leader na umaasa siyang mapalalakas pa ng kanilang bansa ang seaweed processing para sa pagpapaigting ng exports kabilang na sa Pilipinas. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author