dzme1530.ph

Isa sa mga suspek sa pagkawala ng Beauty Queen, sumuko sa mga Pulis sa Batangas

Sumuko sa mga Pulis sa Balayan, Batangas ang isa sa mga suspek sa pagkawala ng Beauty Queen na si Catherine Camilon noong Oktubre ng nakaraang taon.

Sinabi ng Police Region 4A (PRO-4A), nagtungo ang 33-anyos na suspek si Jeffrey Magpantay sa Police Station, kasama ang kanyang live-in partner.

Si Magpantay ang driver ng pangunahing suspek na si Police Major Allan de Castro na nahaharap ngayon sa mga kasong administratibo at kriminal, kabilang ang kidnapping at illegal detention.

Ayon sa PRO-4A, desidido ang driver na makipagtulungan sa legal na proseso sa pamamagitan ng pagsusumite ng waiver of detention na nilagdaan ng abogado nito. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author