dzme1530.ph

Lahat ng plano para sa Traslacion 2024, naisakatuparan, ayon sa Quaipo Church

Walang naiulat na krimen sa dinaanang mga lugar ng traslacion, ayon sa Philippine National Police.

Sinabi ni Manila Police District (MPD) Deputy Director for Operations, Police Colonel Roderico Roy Jr., na mas masunurin ang mga deboto ngayon dahil mas marami ang idineploy na mga Pulis.

Sa bahagi naman ni Quiapo Church Spokesperson, Father Hans Magdurulang, sinabi nito na sa kabila ng paulit-ulit nilang pakiusap ay mayroon pa ring mga deboto na nagsipag-akyatan andas.

Aminado si Magdurulang na walang perpektong paliwanag at utos na magpapahupa sa debosyon ng mga mananampalataya ng Itim Nazareno.

Sa pagtaya ni Magdurulang, naisakatuparan naman ang lahat ng plano para sa Traslacion 2024. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author