dzme1530.ph

Mahigit 450 deboto ng Nazareno, nasaktan       

Kabuuang 453 deboto ng Itim na Nazareno ang naiulat na nasugatan o nasaktan sa ginanap na Traslacion 2024.

Sa press conference sa Quiapo Church Command Center, sinabi ni DOH Health Emergency Management Bureau Chief, Dr. Bernadett Velasco na karamihan sa mga nasaktan o nasugatan ay minor lamang.

Aniya, mayroon namang siyam sa mga injured na dinala sa ospital para agapan ang kanilang nararamdaman at kinakailangang masuring mabuti.

Inihayag ni Velasco na pinakamalalang kondisyon na tinugunan ng medical personnel ay hinihinalang kaso ng heart attack. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author