dzme1530.ph

Imahen ng Itim na Nazareno, naibalik sa Simbahan ng Quiapo matapos ang 15-oras na Traslacion

Labinlimang oras bago naibalik sa Simbahan ng Quiapo sa Maynila ang imahen ng Itim na Nazareno matapos ang prusisyon na dinaluhan ng tinatayang 6.5 milyong deboto, na isa sa pinakamalaking bulto sa kasaysayan ng taunang kapistahan.

Umalis ang Imahen sakay ng andas na may tempered glass sa Quirino Grandstand, alas 4:45 ng madaling araw kahapon at dumating sa Quiapo Church, ala- 7:45 kagabi.

Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO) Public Information Office, ala-1 ng hapon, kahapon, ay umabot na sa 2.807 million ang bilang ng mga deboto sa Traslacion.

Sa update, sinabi naman ng Quiapo Church na 6,532,501 katao ang naitala sa prusisyon sa pagitan ng ala-5 ng umaga hanggang ala-6 ng gabi. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author