dzme1530.ph

2 lotto bettors, maghahati sa mahigit P121-M na jackpot sa MegaLotto 6/45

Dalawang masuwerteng mananaya ng lotto ang maghahati sa mahigit P121.816 million na jackpot sa MegaLotto 6/45 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Kagabi ay tinamaan ng dalawang bagong multi-millionaires ang winning combination na 09 – 07 – 29 – 28 – 11 at 18.

Samantala, sumampa na sa mahigit P622.896-M ang jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 makaraang wala ring nanalo sa ginanap na draw.

Bigo ang mga mananaya na mahulaan ang winning combination na 08 – 18 – 24 – 17 – 28 at 04.

Ang Grand Lotto ay dino-draw tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author