dzme1530.ph

Mga debotong nakayapak papayagang sumakay sa MRT-3, ngayong araw

Makasasakay na rin sa lahat ng tren ng Metro Rail Transit-Line 3 (MRT-3) ang mga debotong nakayapak, ngayong araw.

Ito ayon sa pamunuan ng MRT ay bilang pakikiisa nila sa Pista ng Itim na Nazareno.

Una nang pinahintulutan ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ang mga nakayapak na deboto na sumakay sa kanilang tren sa panahon ng kapistahan.

Ang paglalakad nang nakayapak ay tanda ng debosyon at panata ng mga deboto ng Poong Nazareno. —sa panulat ni Joana Luna

About The Author