dzme1530.ph

Mga deboto, sumampa sa andas

Hindi napigilan ng ilang mga Deboto na sumampa sa Andas ng Poong Itim na Nazareno sa nagpapatuloy na Traslacion ngayong araw.

Kaugnay nito, patuloy na pina-alalahanan ni Manila Mayor Honey Lacuna ang mga deboto na iwasang umakyat sa andas upang hindi madisgrasya.

Samantala, inaasahan ng pamunuan ng Simbahan ng Quiapo na mas mabilis ang usad ng Traslacion ngayon kumpara sa mga nakalipas na taon. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author