dzme1530.ph

Simbahan ng Quiapo, umapela sa mga deboto na pagtiwalaan at suportahan ang mga hakbang para sa kaligtasan ng Traslacion 2024

Nanawagan si Father Hans Magdurulang, Tagapagsalita ng Traslacion 2024, sa mga deboto ng Itim na Nazareno na magtiwala at suportahan ang mga hakbang na inilatag ng mga otoridad upang matiyak ang seguridad sa kapistahan ng pinaniniwalaang mapaghimalang poon.

Ginawa ni Magdurulang ang panawagan kasunod ng sentimyento ng mga dumalo sa misa na sobra naman umano ang ipinatutupad na security measures sa Simbahan ng Quiapo.

Kabilang na rito ang “Single Entry, Multiple Exits” scheme, kung saan ang mga deboto na nais pumasok at makinig ng misa sa Quiapo Church ay maari lamang pumasok sa nag-iisang designated entrance na matatagpuan sa Villalobos Street.

Bago rin makapasok sa Simbahan ay obligado ang mga magsisimba na dumaan sa metal detector, habang ang kanilang mga bag ay isasailalim sa inspeksyon gamit ang X-Ray Machine. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author