dzme1530.ph

Balisong, bala, nakumpiska ng OTS sa mga debotong pumapasok sa Quiapo Church

Kinumpirma ng Office for Transportation Security (OTS) na marami silang nakumpiskang mga bawal na kagamitan tulad ng balisong at bala mula sa debotong nagsimba sa Quiapo Church simula nang ikabit nila ang X-Ray machine sa Quiapo Church.

Ayon kay OTS Office-in-Charge Assistant Sec. Jose Briones Jr., nagdeploy ang OTS ng mga tao mula sa ahensya upang mapanatiling panatag ang mga deboto habang idaraos ang Traslacion ngayong taon.

Alinsunod narin ito sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na handang magbigay ng serbisyo para sa gaganaping Traslacion para matiyak na walang makakapasok na anumang bagay na maaaring gamitin ng may masasamang loob.

Nagdeploy ng Security Screening Officers ang ahensiya upang mag-operate sa X-Ray machine at mag-screen ng mga deboto at kanilang mga bags papasok sa Quiapo Church. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author