dzme1530.ph

P3-B, ilalabas para sa pagku-kumpuni ng school buildings

Maglalabas ang Dep’t of Budget and Management ng P3-B para sa pagku-kumpuni at rehabilitasyon ng school buildings.

Inaprubahan ni Budget Sec. Amenah Pangandaman ang Special Allotment Release Order na hiniling ng Dep’t of Education para sa repair at rehabilitation ng elementary at secondary school buildings.

Ilalabas ang pondo sa Dep’t of Public Works and Highways na itong magsasagawa ng mga pagku-kumpuni.

Tiniyak ni Pangandaman ang patuloy na pag-iinvest sa edukasyon ngayong 2024 alinsunod sa tagubilin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bigyan ng disente at komportableng pasilidad ang mga estudyante upang makapag-aral sila ng mabuti. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author