dzme1530.ph

Pagbuo ng blacklisting committee ng DA, malaking tulong sa kampanya laban sa smuggling

Naniniwala si Sen. Chiz Escudero na sa pamamagitan ng binuong blacklisting committee ng Department of Agriculture, matutukoy ang tunay na smuggler at hoarder sa bansa.

Tiwala din ang senador na sa ilalim ng liderato ng Secretary Francis Tiu Laurel, malilinis sa kontrobersiya ang ahensya kasabay ng pagpapatupad ng reporma para sa kapakinabangan ng sektor ng agrikultura.

Inilabas ni Laurel ang Special Order 11 para sa pagbuo ng central blaslisting committee ng DA na magpapalakas sa kampanya ng gobyerno sa mga walang konsensiya at abusadong manufacturer, supplier, contractor, consultant, gayundin ang mga hoarder at smuggler ng mga produktong pang-agrikultura sa bansa.

Itinalaga ni Laurel si DA Legal Service Director Willie Ann Angsiy at Procurement Division Chief Melinda Deyto bilang chair at vice chairman ng blacklisting committee.

Binigyan sila ng 30 araw para mag-isyu ng resolusyon ng kanilang findings at recommendations mula sa araw ng kanilang pagtanggap ng reklamo laban sa mga offender.

Suportado rin ni Escudero ang desisyon ng DA chief na magsagawa ng revamp o pagbabago sa organisasyon. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author