dzme1530.ph

PH Red Cross, magdedeploy ng mahigit 1,000 volunteers para sa Traslacion 2024

Magde-deploy ang Philippine Red Cross ng mahigit 1,000 volunteer at emergency services vehicles para magbigay ng medical assistance sa mga dadalo sa prusisyon ng Itim na Nazareno sa January 9.

Ayon kay PRC Chairman at CEO Richard Gordon, kabilang dito ang first aiders, emergency reponse unit personnel, at emergency medical teams na itatalaga sa Traslacion.

Nasa 10 PRC first aid station ang itatayo sa iba’t ibang ruta ng traslacion mula sa Quirino Grandstand hanggang sa Quiapo Church.

Sinabi rin ni PRC Sec. Gen. Gwendolyn Pang na 20 karagdagang ambulansya ang darating galing sa Central Luzon at CALABARZON bilang standby medical services. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author