dzme1530.ph

Food service sales ng Pilipinas, tinatayang lalago ng 10% ngayong taon

Posibleng lumago ng 10% ang consumer food sales ngayong taon sa Pilipinas, na lampas sa pre-pandemic level dahil sa unti-unting pagrekober ng turismo.

Sa latest Global Agricultural Information Network (GAIN) report ng United States Dept. of Agriculture, tinatayang aabot sa $14.045 billion ang food service sales ngayong 2024, na mas mataas kumpara sa naitalang $12.768 billion noong 2023.

Ini-uugnay naman ang mayorya o 55% ng food service sa limited-service restaurants, kung saan karamihan ay fast-food restaurants na nangangailangan ng imported ingredients.

Maging ang mabilis na pagdami ng street kiosks tulad ng french fries, fruit beverages, coffee shops, at paglago ng online deliveries sa Metro Manila. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author